Tungkol kay Pamela Grace Delantar

       

        Hello!.. Ako si Pamela Grace Delantar. Dalawampung taong gulang na. Nag didiwang ng kaarawan tuwing ika-07 ng Setyembre. Nakatira sa De Joya Compound Alangilan Batangas City. Hilig ko ang pagsusulat ng mga tula, tula na pangpalipas oras lang at kung minsan dun ko na din nilalabas ng mga nararamdaman ko. Mahilig rin akong tumugtog kaso Flute recorder nga lang. Kumakanta rin ako. Alto ang part ko sa Choir namin. At kung minsan kapag may mga kantahang nagaganap, taga second voice ako.

        Ako ngayun ay nasa ikalawang taon uli nang pag-aaral kumukuha ng kursong Bachelor of Secondary Education (BSED), majoring Biological Science. Nakatapos na ako ng isang kurso na Information and Communications Technology (ICT) , bale dalawang taon lang yun kaya nag-aral ulit ako. Actually, Criminology talaga ang gusto, kaso hindi talaga ata will ng Panginoon yun para sa akin.

        May tatlo akong kapatid at pangalawa ako sa bunso. Conie ang pangalan ng nanay ko at mahal na mahal ko siya. Mariecon ang pangalan ng ate ko at mark naman ang kuya ko. Steaven ang pangalan ng bunso kong kapatid. Parehas kaming mahilig sa Arts pero mas magaling siya. Nung Highschool ako, sumasali ako sa Sports,  Voleyball at Track and Field ang sinasalihan ko. Pero hindi ako ganun kagaling sa paglalaro ng voleyball, takbuhan at standing long jump ang sinalihan ko at pinakamataas kong nakuha ay pang 2nd place. Kasalukuyan din akong nagtratrabaho pero hindi naman literal na trabaho dahil  nag-aaral pa din ako. Ang masasabi ko lang ay mahirap talagang mag-aral habang nagtratrabaho dahil  hati ang oras mo pero kailangang balansihin ang oras. 

Comments